top of page

"I do."

  • Writer: Jr Mad
    Jr Mad
  • Feb 11, 2017
  • 2 min read

Hindi ko alam kung bakit ang saya sa pakiramdam kanina ng pagdalo namin sa kasal.

Pero bago nagkaroon ng kakaibang saya, may mga tanong muna.

Kung ako kasi magpapakasal gusto ko ito yung magbibigay simula sa pagtatayo ko ng pamilya.

Kaya sa isip ko,

“Bakit kaya sa tagal ng kanilang pagmamahalan ay ngayon lang sila magpapakasal?”

“Bakit kaya hindi nila inuna ito bago ang pagtatayo ng pamilya?”

“Hindi pa ba huli?”

Matagal na kasi sila tapos ngayon may apat na silang anak at unti-unti ng natatapos sa pagaaral. Diba parang late na?

Pero alam ninyo dahil sa kanila, may pinaalala sa akin ang Diyos.

“Hindi pa huli ang lahat, tatanggapin at mamahalin pa rin kita kahit na ang tagal na kitang hinihintay,

Pwede pa tayong magsimula, Pwede na tayong magsimula.”

At sasabihin pa niya, “Hindi mahalaga kung kailan, ang mahalaga ay ang desisyon na magsimula at manatili.”

Kaya siya ay magtatanong pa, "Handa ka ba na tanggapin at mahalin ako, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, habangbuhay?”

“I do”

Sa kasal naniniwala ako na kasabay ng pagsagot ng mga ikinakasal ng "I do" bilang pangako sa kanilang magiging asawa ay ang pagsasabi rin nila sa Diyos ng "I do".

"Yes Lord. We do! We do promise to be faithful also to you in good times and bad times, in sickness and in health and we do promise to love and honor you all the days of our life." 

"Lord, please be with us, we believe that it is you who will give us the graces we need in order to fulfill our responsibilities. We also remember what you've done at the wedding feast at Cana, turning water into wine. Lord we accept you in our lives, with that we promise to do whatever you tell us hoping that through following your commands, you may turn us into a good and better christian."

At ang sasabihin niya sa dulo, 

Thank you for saying "I do." ❤


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by ART SCHOOL. Proudly created with Wix.com

bottom of page