top of page

Maria, Turuan mo ako.

  • Mar 2, 2017
  • 1 min read

Maria, Turuan mo ako.

Turuan mo kong magmahal dito sa mundong pagod ng kumapit

sa pag-ibig dahil ayaw ng masaktan pa

Turuan mo kong ibigay ang sarili dito sa mundong pagod ng magbigay,

na ang gusto na lang ay kumuha.

Turuan mo kong kalimutan ang sarili

dito sa mundong puno ng pagkakasarili.

Turuan mo kong ibigay ang ‘UO’ sa Diyos,

dito sa mundong ayaw ng sumunod.

Turuan mo ako, para katulad mo

sa dulo ng buhay,

pagkatapos ng mga sakit,

pagkatapos lahat ng hirap,

pagkatapos lahat ng pagsubok

Ako ay aakayin ni Jesus

pabalik sa kanya.

Salamat, Maria.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by ART SCHOOL. Proudly created with Wix.com

bottom of page