top of page

Bitaw na...

  • Writer: Jr Mad
    Jr Mad
  • Feb 12, 2017
  • 2 min read

Pagbitaw, isa sa pinakamasakit na gawin lalo na kung ang bibitawan mo ay mahalaga, kung ang bibitawan mo ay talagang mahal mo.

Noong nakaraang linggo may isang pari na nagsabi sa kaibigan niyang pari na malala na ang sakit, “Kung hindi mo na kaya, Mahal kong kaibigan bitaw na, sasaluhin ka ni Jesus.”

Grabe, napahinto ako. Gusto kong pigilang umiyak.

Dahil sa sinabi nung pari napaisip ako, kailan ba nararapat bumitaw? Kelan ba natin malalaman kung hindi na natin talaga kaya? Baka naman meron pa?

Ito ang aking napagnilayan. tignan natin ang pagbitaw sa mata ng mga taong para bang gusto ng sumuko sa buhay…

“Bibitaw ka, hindi dahil pagod ka na, hindi dahil sawa ka na. Dahil ang ganyang klase ng pagbitaw ay pagbitaw ng takot, ng katamaran, ng kaduwagan. May mga bumibitaw kasi ayaw mahirapan, kaya pinipili ang madali kahit mas gusto naman talaga ay yung nauna, tinatamad lumaban pa, natatakot kasi hindi alam kung saan siya dadalhin pa ng unang pinili niya.”

“Bibitaw ka dahil…

dahil naibigay mo na ang lahat, ang buong sarili mo, ang buong puso mo, ang buong buhay mo para sa taong minamahal mo.

Bibitaw ka dahil nagawa mo na ang lahat ng makakaya mo para mapatunayan na mahal mo nga siya.”

At sa huli, huwag kang matakot, huwag kang mawalan ng tiwala, manampalataya ka!

Dahil siya na unang nagmahal ay hindi ka papabayaan.

Tungkol dun sa pari na may malalang sakit, siya ay namatay na.

Wala na ang mga sakit, mga hirap, bumitaw siya na binigay ang lahat sa Diyos,

Sa pamamagitan ng kanyang buhay ay ipinakita niya na ang Diyos ay tunay na malapit sa atin, na gusto ng Diyos na tayo ay maging masaya, at higit sa lahat, at sa huli ipinakita niya na ang tunay na nagmamahal at naglilingkod sa Diyos ay may kakaibang saya na nadarama at ito’y naibabahagi sa mga taong pinaglilingkuran niya.

Salamat Paring Erick Santos.

“Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God, which transcends all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ.“

- Philippians 4:6-7

Let Go and Let God…


Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by ART SCHOOL. Proudly created with Wix.com

bottom of page