Magbalik Tayo
- Jr Mad
- Apr 10, 2017
- 1 min read

Magbalik tayo sa kanya. Balikan natin ang ating mga karanasan kasama si Jesus. Mabuti o Masamang karanasan ay may dahilan, tignan natin kung ano ang gustong iparating sa atin ni Jesus. Matapos makita ang marami nating pagkukulang at pagkakamali, tayo ay magbalik loob. Naging marumi man tayo ng dahil sa mga kasalanan tayo ay inaanyayahan ni Jesus na huwag mahiya at huwag matakot, bumalik tayo sa kanya upang linisin ng kanyang pagmamahal lahat ng dumi na dinulot ng kasalanan. Lahat daw ay nasa Diyos na, ang tanging wala na lang na maibibigay natin at gusto niyang ibigay natin sa kanya ay ang ating mga "kasalanan". Bitawan na natin ang ating mga kasalanan at kumapit sa pagmamahal ni Jesus na makapagliligtas.
Comments