top of page

Tulong

  • Writer: Jr Mad
    Jr Mad
  • Mar 1, 2017
  • 1 min read

Tulungan mo ko Jesus.

Jesus, tulong!

Gusto kong magbago.

Gusto kong magbago dahil sa iyo, 

dahil unti-unti na kitang nakikilala

at sa aking pagkilala sa iyo ay hindi ko maiwasang mahalin ka

at dahil sa pag-ibig na aking nadarama,

Jesus gusto kong magsimula na,

magsimula ng magbago.

Pero hindi ko kaya mag-isa, samahan mo ako at tulungan.

Tulungan mo kong makita ang aking mga kasalanan.

Tulungan mo kong makita ang mga bagay na ginagawa ko na nakakasakit sa iyo at sa aking kapwa.

Tulungan mo kong makita ang aking pagiging sakim, ang aking katamaran, ang aking pagkamainitin ang ulo, ang aking kalaswaan, ang aking pagiging mapagmataas, ang mga pagtalikod ko sa mga dapat ginagawa ko.

Tulungan mo kong makita ang lahat ng aking kahinaan.

Pagkatapos kong makita,

Matatahimik at magugulat dahil ang dami ko pa lang

kamalian at kahinaan.

Magtataka dahil sa kabila ng lahat, ay tanggap at mahal mo pa rin ako.

Kaya’t hihingi pa ako ng tulong.

Tulungan mo pa ko Jesus, na unti-unting baguhin ang sarili.

Tulungan mo kong piliin palagi kung ano ang tama, isipin kung ano ang tama.

Tulungan mo akong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko.

Tulungan mo akong magbahagi, ng panahon para sa mga taong kailangan ng kasama at kausap.

Tulungan mo akong maging mapagpasensya katulad ng pagpapasensya mo sa akin sa tuwing ako’y gumagawa ng mali, lalo na sa mga taong mahirap kausap, mahirap pakisamahan.

Tulungan mo akong magkaroon ng lakas ng loob na magsimula.

Tulungan mo akong magtiwala pa sa iyo!

Salamat sa Pagmamahal! 


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

© 2023 by ART SCHOOL. Proudly created with Wix.com

bottom of page